Home > News > Covid-19 Vaccination Plan ng Cabanatuan, gayak na.

Covid-19 Vaccination Plan ng Cabanatuan, gayak na.

February 26, 2021

Nagkaroon naman ng pagpupulong tungkol sa Vaccination Plan ng Pamahalaang Lungsod noong Pebrero 17, 2021. Ito ay dinaluhan nina Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, City Health Office at mga doctor. Tinalakay dito ang mga updates sa paghahanda na isinasagawa sa pagbabakuna laban sa COVID-19. Kabilang dito ang paggagayak ng master list of eligible population, pag-uupload ng listahan ng priority groups sa pangunguna ng CPDO at online pre-registration para sa priority groups. Sa kasalukuyan, itinatayo at isinasaayos na rin ang cold chain at temporary vaccination center. Gayundin, tinatapos na rin ang plano para sa pagtatayo ng COVID-19 vaccination center. Inihahanda na rin ang ordinansa at executive order kaugnay ng mga ito.