Home > News > Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi!

Food Assistance para sa mga Pasyenteng Nagpositibo sa COVID-19, Tuloy-tuloy ang Pamamahagi!

March 04, 2022

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy sa pamamahagi ng food assistance para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19. Katuwang muli rito ay ang City Social Welfare and Development Office. Ito ay ginanap noong February 21-24, 2022. Maaaring makipag-ugnayan sa CSWDO sa numerong 0919-081-2789 para sa iba pang detalye.