Home > News > DOLE TUPAD ORIENTATION

DOLE TUPAD ORIENTATION

August 30, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION nitong August 09, 2022, para sa pang-apat (4) na batch na dinaluhan ng 193 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Senator Joel Villanueva, Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.

Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na P450 kada araw.

Source: Public Employment Service Office - Cabanatuan City