Home > News > Mga 400 na Inmates Nabakunahan Laban sa Covid-19!

Mga 400 na Inmates Nabakunahan Laban sa Covid-19!

November 15, 2021

Kasabay ng paggunita sa 27th National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) na may temang “Magkaisa, Magtulungan, Magdamayan, COVID-19 ay Labanan”, sumadya ang mga kawani ng City Health Office at City Disaster Risk Reduction Management Office nitong October 28 at 29, 2021 sa Bureau of Jail Management and Penology, Cabanatuan City District Jail upang magbigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga kapatid natin sa loob ng bilangguan. Nasa 400 na inmates ang nabigyan ng unang dose ng Sinovac Vaccine at sa kasalukuyan ay patuloy parin sa pagbabakuna upang makamit ang herd immunity.