Home > News > Social Pension Payout para sa mga frail at bedridden, ipinamahagi

Social Pension Payout para sa mga frail at bedridden, ipinamahagi

December 16, 2021

Ang DSWD Regional Office 3 katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan City sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth Vergara ay nagsagawa ng Social Pension payout noong December 7 at 8, 2021 sa Cabanatuan City Covered Court. Nagsagawa din ng door-to-door payout ang mga kawani ng CSWDO at DSWD Region para sa mga benepisyaryong frail at bedridden. Ang programa ay nakapagtala ng 1,108 indigent senior citizens na nakatanggap ng 3,000 pesos mula sa national government para sa ikalawang semestre. Layunin ng programang ito na maibsan ang hirap ng mga kwalipikadong senior citizens at makatulong sa kanilang pangangailangang medikal.