Home > News > CSWDO FOOD PACKS CISS

CSWDO FOOD PACKS CISS

July 13, 2022

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ay nagsagawa ng pamimigay ng food packs para sa 200 Children in Street Situations (CISS).

Ang pamamahagi ng food packs ay dinaluhan ni Ms. Helen S. Bagasao, CSWD Officer; Ms. Vanessa Anne R. Cucio, CYDD Division Head at iba pang kawani ng CSWDO. Ito ay isinagawa noong ika-8 ng Hulyo, 2022 sa Temporary Public Market, Kapitan Pepe Cabanatuan City.

Layunin ng programang ito na matulungan ang mga Children in Street Situations (CISS) sa kanilang pangunahing pangangailangan sa panahon ng pandemya. Gayundin upang mabigyan ng wastong nutrisyon at magabayan ang mga magulang sa tamang nutrisyon para sa kanilang mga anak.

Source: Cabanatuan City Social Welfare and Development Office