Home > News > Fogging Operations laban sa Dengue

Fogging Operations laban sa Dengue

February 01, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsasagawa ng fogging operations upang maiwasan ang paglaganap ng mga lamok na nagdudulot ng sakit na dengue.  Sinimulan ito noong February 1 at nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan. Inunang puntahan ang mga barangay na nasa gitna o sentro ng lungsod, at sa mga susunod na mga linggo ay mapupuntahan rin ang mga malayo sa sentro. Ang mga barangay na pinuntahan sa linggong ito ay Daan Sarile, Magsaysay Sur, Bantug Bulalo, Bantug Norte, Aduas Norte, Bitas, Aduas Centro, Aduas Sur, Pagas at Valdefuente.