Home > News > Mobile Covid-19 Vaccination Program, Umarangkada na!

Mobile Covid-19 Vaccination Program, Umarangkada na!

June 18, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, sinimulan rin ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination, para mapabilis ang pagbigay ng bakuna sa mga mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Ang mga barangay na binisita nitong June 1-4, 2021 ay ang Patalac, Kalikid Norte, Kalikid Sur at Macatbong.