Home > News > DILG nagbigay ng extension para sa Road Clearing 2.0

DILG nagbigay ng extension para sa Road Clearing 2.0

February 15, 2021

Sang-ayon sa isang linggong extension na ibinigay ng DILG sa mga local government units, muling nagsagawa ng clearing operations sa iba't ibang kalsada sa lungsod simula noong Enero 18, 2021. Ito ay pinangunahan ng DILG Cabanatuan, PNP Cabanatuan, City Engineer's Office, Office of the City Building Official, Traffic Management Division at iba pang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan. Kamakailan lamang ay nabigyan ng 2 unit ng patrol pick up ang Traffic Management Division mula sa personal na pananalapi ni Congressman Ria Vergara. Dahil dito, nagiging mas madali at epektibo ang pagsasagawa ng operations ng nasabing dibisyon.