Home > News > Pagbibigay ng Safety Seal sa mga Establisyimento, Isinagawa!

Pagbibigay ng Safety Seal sa mga Establisyimento, Isinagawa!

March 03, 2022

Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang Safety seal inspection nitong February 22, 2022 sa SM City Cabanatuan at SM Megacenter Cabanatuan sa pangunguna ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Business Licensing and Promotion Office (CBLIPO), City Health Office (CHO), City Information Office (CIO), Public Employment Services Office (PESO), City Engineering Office (CEO), City Motorpool Office (CMPO), at Cabanatuan PNP. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Para sa mga establisyimentong nais magkaroon ng Safety Seal, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng CBLIPO - 0919 089 9869.