Home > News > Libreng Anti-Rabies Vaccination handog ng City Veterinary Office

Libreng Anti-Rabies Vaccination handog ng City Veterinary Office

March 10, 2021

-    Ang rabies ay viral infection at isang animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal, kagaya ng aso at pusa. Kaya naman mahalaga na magkaroon ng anti-rabies vaccine ang ating mga alagang hayop. Kaugnay nito, nagsagawa ng libreng anti-rabies vaccination ang City Veterinary Office sa iba't ibang barangay sa ating lungsod.