Home > News > CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

CSWDO NECESSITY PACKS FOR SENIOR & PWDS

July 13, 2022

Patuloy parin ang pagpapamahagi ng food packs para sa mga senior citizens at PWDs mula sa Brgy. Bagong Sikat, Bakod Bayan, Bakero, Lagare, Lourdes, Mabini Extension, San Isidro, Valle Cruz, Bantug Bulalo, Magsaysay Norte, Magsaysay Sur, Bantug Norte at Sta. Arcadia nitong July 4-8, 2022.

Ito ay bilang pagpapatuloy sa programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens at PWDs sa ating lungsod. Ito ay naging posible sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office.

Ang lahat po ng senior citizens at PWDs mula sa 89 barangays sa Lungsod ng Cabanatuan ay mabibigyan ng food packs. Pakihintay lamang po ang schedule sa inyong barangay.