Home > News > Booster Shots para sa ating mga Mahal na Senior Citizens

Booster Shots para sa ating mga Mahal na Senior Citizens

December 16, 2021

Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine na SINOVAC para sa mga senior citizens at iba pang priority groups sa lungsod. Ito ay ibinibigay para sa mga fully vaccinated na mamamayan simula nang mag-umpisa ang pagbabakuna hanggang noong June 2021. Ang pagbibigay ng booster shot ay isinagawa sa SM City Cabanatuan at SM Megacenter simula noong December 7, 2021.