Home > News > Muling nagsagawa ng libreng anti-gen testing ng mga barangay workers at mga tanod ang Pamahalaang Lungsod para sa mga natitirang barangay

Muling nagsagawa ng libreng anti-gen testing ng mga barangay workers at mga tanod ang Pamahalaang Lungsod para sa mga natitirang barangay

May 14, 2021

Bilang pagpapatuloy sa programa ng Lungsod na may layuning masigurado ang kalusugan ng mga kawani ng barangay habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, tuloy-tuloy parin ang pagsasagawa ng libreng rapid antigen testing sa mga barangay workers at barangay tanod sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Sumadya ang City Disaster Risk Reduction and Management Office sa mga barangay ng Magsaysay Norte, Magsaysay Sur, San Josef Sur, Zulueta, San Josef Norte, Bantug Norte, Pangatian, Patalac, Polilio, Samon, Sto. Niño, Caudillo, Ibabao-Bana, Isla, Sumacab Norte, Sumacab Sur at Talipapa gamit ang mga ambulansya ng Pamahalaang Lungsod nitong May 3-6, 2021 para sa nasabing testing.