Home > News > Deed of Absolute Sale Pinirmahan na para sa Barangay Sangitan West handog ng LGU Cabanatuan

Deed of Absolute Sale Pinirmahan na para sa Barangay Sangitan West handog ng LGU Cabanatuan

January 22, 2021

Ginanap noong Enero 22, 2021 ang contract signing ng Deed of Absolute Sale sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at sa pinagbilhan ng lupa.

Ang Sangguniang Barangay ng Sangitan West sa pamumuno ni Kapitan Rodrigo Marin, ay humiling kay Mayor Myca Elizabeth R. Vergara na sila ay mapagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng loteng pagtatayuan ng barangay hall. Lumapit rin sila kay Congresswoman Ria Vergara upang sila ay matulungan mula naman sa kanyang Congressional Fund.

Dinaluhan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang nasabing contract signing, kasama ang City Assessor’s Officer, Engr. Heide Pangilinan, City Legal Officer, Atty. Cesar Villar at ang mga Sangguniang Barangay ng Sangitan West.