Home > News > LGU Cabanatuan nagkamit ng parangal mula sa DSWD

LGU Cabanatuan nagkamit ng parangal mula sa DSWD

January 29, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagkamit ng pagkilala bilang Model Local Government Unit Implementing Protective Programs and Services at nagwagi ng Gawad Paglilingkod sa Sambayanan o GAPAS Award.

Ang nasabing gantimpala ay ibinibigay sa mga indibidwal, organisasyon o institusyon na nagbahagi ng suporta sa pagtupad ng DSWD sa kanilang tungkulin na makatulong sa pagpapabuti ng buhay at pagbibigay ng iba't ibang oportunidad sa mga nangangailangan.

Naganap ang online awarding noong ika-29 ng Enero kasabay ng 70th founding anniversary ng DSWD.