Home > News > Libreng Bakuna Laban sa Covid-19 Isinagawa sa Iba’t ibang Vaccination Center

Libreng Bakuna Laban sa Covid-19 Isinagawa sa Iba’t ibang Vaccination Center

June 04, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay patuloy na nagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 sa mga Senior Citizens ng ating lungsod. Ito ay pinangunahan ng Cabanatuan City Health Office upang masiguro na ang pagbabakuna sa mga Senior Citizen ay may maayos na sistema. Ang pagbabakuna ay isinagawa sa Our Lady of Fatima University Gymnasium, SM City Cabanatuan at Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound.