Home > News > DOLE-TUPAD at DOLE-GIP Orientation, Idinaos!

DOLE-TUPAD at DOLE-GIP Orientation, Idinaos!

September 02, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD at DOLE-GIP orientation na dinaluhan ng 138 na displaced workers at 46 na kabataan mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong August 24 at 26, 2021. Sa programang DOLE-TUPAD, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho. Samantala, sa DOLE-GIP naman ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na makapagtrabaho sa mga ahensyang pamahalaan. Ang mga nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.