Home > News > Lingguhang Pagpupulong ng Lokal na Inter-Agency Task Force Muling Isinagawa.

Lingguhang Pagpupulong ng Lokal na Inter-Agency Task Force Muling Isinagawa.

August 18, 2021

Idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ang Local Inter-Agency Task Force meeting nitong Lunes, August 2, 2021 sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Tinalakay sa nasabing pulong ang mga paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa banta ng COVID-19 delta variant. Gayundin, nagkaroon ng weekly reports ang City Health Office, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, MV Gallego Cabanatuan City General Hospital at walong City Health Centers tungkol sa status ng COVID-19 cases sa ating lungsod. Ito ay ginanap sa Sangguniang Panlungsod Session Hall kung saan lahat ng dumalo ay sumailalim muna sa rapid Antigen test.