Home > News > Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Vaccination Centers

Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Vaccination Centers

September 16, 2021

Patuloy rin na isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang COVID-19 Vaccination para sa priority groups na A1, A2, A3 at A4. Ang pagbabakuna ay isinasagawa sa SM City Cabanatuan, SM Megacenter at Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound. Nagpapasalamat naman ang Pamahalaang Lungsod sa pang-unawa ng mga taga-Cabanatuan na matiyagang naghihintay para sa kanilang bakuna.