Home > News > Dole Tupad

Dole Tupad

June 24, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION niton June 15, 2022, para sa pangalawang (2) batch na dinaluhan ng 400 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment.

Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na P450 kada araw.

Para sa iba pang mga katanungan ukol sa programang ito, maaaring makipagugnayan sa tanggapan ng Public Employment Service Office 0919 081 1300.