Home > News > PESO at DOLE, nagsagawa ng TUPAD Payout

PESO at DOLE, nagsagawa ng TUPAD Payout

February 04, 2022

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD PAYOUT ngayong araw, January 25, 2021 para sa Batch 6 na dinaluhan ng 206 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, Senator Joel Villanueva at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw.