Home > News > Lingguhang Pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) nitong May 17, 2021

Lingguhang Pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) nitong May 17, 2021

June 04, 2021

Muling idinaos ang lingguhang pagpupulong ng lokal na Inter-Agency Task Force (IATF) bilang pagpapaigting sa mga programa at aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan laban sa kinakaharap nating pandemya. Inilahad sa nasabing pagpupulong ang lingguhang Accomplishment Reports ng walong City Health Centers. Tinalakay rin dito ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa mga barangay na nasasakupan ng iba't-ibang City Health Centers sa lungsod at iba pang COVID-19 related issues and concerns. Ito ay ginanap sa open area sa Unified Command Center sa Cabanatuan City Hall Compound nitong Mayo 17, 2021.