Home > News > DOLE-TUPAD Payout para sa 138 na Displaced Workers, Ginanap!

DOLE-TUPAD Payout para sa 138 na Displaced Workers, Ginanap!

August 18, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD payout na dinaluhan ng 138 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong August 9, 2021. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.