Home > News > DOLE-TUPAD Orientation,Idinaos!

DOLE-TUPAD Orientation,Idinaos!

August 18, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD orientation na dinaluhan ng 100 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong August 4, 2021. Sila ang makakatuwang ng tanggapan ng City Engineer's Office at General Services Office sa paglilinis ng mga drainage canal. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.