Home > News > Distribusyon ng Necessity Packs para sa Mga Senior Citizens Tuloy-tuloy

Distribusyon ng Necessity Packs para sa Mga Senior Citizens Tuloy-tuloy

July 01, 2021

Nitong June 14-18, 2021, isinagawa ang pamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ng necessity packs sa mga senior citizens sa iba't ibang barangay sa Lungsod. Ito ay sa pamamagitan ng City Social Welfare Development Office (CSWDO). Isa ito sa pagpapatuloy sa programa ng pamahalaang lungsod na maiparamdam lalo ang pagmamahal at respeto sa mga senior citizens sa ating lungsod.