Home > News > Mayor Myca Vergara Nagsagawa ng Ocular Inspection para sa Pagapapalawak ng Vaccination Program

Mayor Myca Vergara Nagsagawa ng Ocular Inspection para sa Pagapapalawak ng Vaccination Program

June 04, 2021

Noong Mayo 17, 2021, nagsagawa ng ocular inspection si Mayor Myca Elizabeth R. Vergara sa mga eskwelehan na nakamungkahing gawin bilang karagdagang Vaccination Center dito sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay paghahanda sa pagpapalawak ng Vaccination Program sa loob ng ating lungsod. Kasama rin sa nasabing inspection ang OIC ng City Disaster Risk Reduction and Management Office na si Mr. Eugene Mintu, City Health Officer Dr. Arminda Adecer, at Dr. Giovanni Garcia. Kabilang sa mga binisita nila ay ang Araullo University, Wesleyan University-Philippines at Our Lady of Fatima University.