Home > News > 2nd Dose Isinagawa sa Mobile Covid-19 Vaccination!

2nd Dose Isinagawa sa Mobile Covid-19 Vaccination!

August 18, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination. Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Nitong August 2-4, 2021, binisita para sa Second Dose ang mga barangay ng Cabu, Pangatian, Bagong Sikat, Bakero, Bangad, Lourdes, Bakod Bayan, San Isidro, Valle Cruz, Bantug Norte, Lagare, Obrero, Cruz Roja, Daan Sarile, Valdefuente, Mayapyap Sur, Balite, Sapang, Barlis, Buliran, Pula, Dalampang, Mayapyap Norte, Caalibangbangan, Samon, Caudillo, Sto. Nino, Polilio, Pamaldan, Palagay, Patalac, Talipapa, Ibabao Bana at Vijandre.