Home > News > Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, Nagsagawa ng TUPAD Orientation

Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, Nagsagawa ng TUPAD Orientation

August 06, 2021

Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD orientation na dinaluhan ng 158 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay ginanap noong July 27-29, 2021. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho na may kaukulang sweldo na P420 kada araw. Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.