Home > News > Pansamantalang Pagsasara ng Cabanatuan City Public Market at Sangitan Public Market para sa Disinfection

Pansamantalang Pagsasara ng Cabanatuan City Public Market at Sangitan Public Market para sa Disinfection

June 04, 2021

Minarapat ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan na pansamantalang isarado ang Cabanatuan City Public Market noong May 8-9, 2020, at ang Sangitan Public Market noong May 10-11,2020 dahil sa ilang tindero at tindera na nagpositibo sa antigen test na isinagawa noong nakaraang linggo. Ang pagsasarado ng nasabing palengke ay upang bigyang-daan ang disinfection at flushing. Ito ay para na rin sa proteksyon ng iba pang nagtitinda sa palengke, gayundin ng mga namimili dito, lalo na at patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. Ang disinfection ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, habang ang City Economic Enterprise and Public Utilities Management Office naman ang nanguna sa flushing.