Home > News > Tuloy tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19 sa mga senior citizens

Tuloy tuloy na pagbabakuna laban sa Covid19 sa mga senior citizens

May 14, 2021

Simula noong April 16, 2021, nagbibigay na ng COVID-19 vaccine para sa mga senior citizen sa Lungsod ng Cabanatuan. Ito ay nagaganap sa Sky Garden, 2nd floor ng SM City Cabanatuan at sa Cabanatuan City Vaccination Center sa City Hall Compound. Prayoridad ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang mga senior citizen dahil sila ang pinaka-high-risk at vulnerable na sektor sa ating lipunan. Ang donasyon ng Covax na Sinovac vaccines ang ginagamit para sa senior citizens habang hinihintay na dumating ang mga biniling bakuna ng Pamahalaang Lungsod. Patuloy naman ang paghikayat sa mga mamamayan sa Lungsod, lalo na sa mga senior citizens na magpabakuna upang magkaroong ng proteksyon laban sa COVID-19.