Home > News > ANTI RABIES MAYAPYAP NORTE

ANTI RABIES MAYAPYAP NORTE

August 31, 2022

Patuloy ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng Veterinary Services sa iba't-ibang barangay sa lungsod sa pamamagitan ng City Veterinary Office.

Nitong August 17, 2022, sumadya ang mga kawani ng nasabing opisina sa Mayapyap National High School sa Brgy. Mayapyap Norte upang magbigay ng Rabies Awareness Orientation sa mga residenta at libreng Anti-Rabies Vaccine at deworming naman para sa mga alagang hayop.

Para sa iba pang detalye, maaaring makipagugnayan sakanilang tanggapan (0919 089 9906).