Home > News > Tuloy-tuloy ang Paggagawad ng Safety Seal sa mga Establisyimento

Tuloy-tuloy ang Paggagawad ng Safety Seal sa mga Establisyimento

August 06, 2021

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan ay nagsagawa ng inspection para sa Safety Seal Certification nitong July 27 at 28, 2021 sa SM City Cabanatuan, SM Megacenter Cabanatuan, Waltermart Cabanatuan, Jollibee Circumferential, Jollibee Mega Shell Crossing at Jollibee Palengke. Ang Safety Seal Certification ay ipinagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod sa mga establisyimentong napatunayang sumusunod sa minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.