Home > News > Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!

Tuloy-tuloy na Pagbabakuna Laban sa Covid-19, Ginanap sa mga Barangay!

October 04, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination. Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Nitong linggong ito, binalikan para sa second dose ang mga barangay ng: Sumacab Sur, Macatbong, San Josef Sur, Sumacab Este, H. Concepcion, Bonifacio, Pagas, San Josef Norte, Vijandre, Aduas Norte, Aduas Centro, Aduas Sur, Isla, Mabini Extension, Sta Arcadia, Villa Ofelia at Mabini Homesite.