Home > News > COVID-19 Mobile Vaccination, Umarangkada na din para sa 2nd Dose

COVID-19 Mobile Vaccination, Umarangkada na din para sa 2nd Dose

July 25, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Nitong June 28-July 1, 2021, binisita ang mga barangay ng Sto. Niño, Polilio, Palagay, Pamaldan, Cinco-cinco, Ibabao-Bana, Talipapa, at Sumacab Norte.