Home > News > Mga Beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, Nakatanggap ng Tulong Pinansyal

Mga Beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation, Nakatanggap ng Tulong Pinansyal

September 02, 2021

Sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office, nakatanggap ng tulong pinansyal ang 1000 beneficiaries na tricycle drivers sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng DSWD. Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Senator Grace Poe at sa kahilingan ni Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara na mabigyan ng tulong ang mga tricycle drivers sa lungsod. Ang nasabing aktibidad ay ginanap noong August 19 at 20 sa CSWDO Building, Cabanatuan City Hall.