Home > News > COVID-19 Mobile Vaccination, Dire-diretso sa mga Barangay ng Cabanatuan City

COVID-19 Mobile Vaccination, Dire-diretso sa mga Barangay ng Cabanatuan City

July 01, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination, upang mas mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mga mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Ang mga barangay na binisita nitong June 14-18, 2021 ay ang Lagare, Bakod Bayan, San Isidro, Valle Cruz, Bantug Norte, Obrero, Cruz Roja, Daan Sarile, Valdefuente, at Mayapyap Sur.