Home > News > Local IATF Meeting, Isinagawang Live Broadcast sa CabTV

Local IATF Meeting, Isinagawang Live Broadcast sa CabTV

July 25, 2021

Sa pamamagitan ng special broadcast sa CabTV Channel 16, idinaos ang Local Inter-Agency Task Force meeting nitong Lunes, July 12, 2021 sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara. Tinalakay sa nasabing programa ang weekly reports ng City Health Office, City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, MV Gallego Cabanatuan City General Hospital at walong City Health Centers tungkol sa status ng COVID-19 cases sa ating lungsod.