Home > News > Tuloy-tuloy na Pagbabakuna sa mga Senior Citizens

Tuloy-tuloy na Pagbabakuna sa mga Senior Citizens

June 04, 2021

Ayon sa Department of Health, ang A2 o All Senior Citizens ay pangalawa sa listahan ng priority list na mabibigyan ng COVID-19 Vaccine kasunod ng mga A1 o Frontline workers in health facilities. Kaugnay nito, patuloy pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng programang Resbakuna o pagbibigay ng libreng bakuna laban sa COVID-19 para sa mga mahal nating Senior Citizens. Ang nasabing programa ay isinasagawa sa 2nd Floor ng SM City Cabanatuan at sa Vaccination Center sa CDRRMO Gym sa loob ng City Hall Compound.