Home > News > DOLE-TUPAD Orientation

DOLE-TUPAD Orientation

June 23, 2022

June 9, 2022- Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office o PESO at DOLE Nueva Ecija, idinaos ang DOLE-TUPAD ORIENTATION ngayong araw, para sa unang batch na dinaluhan ng 96 na benepisyaryo na mula sa iba't-ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ang nasabing programa ay naging posible sa pagtutulungan nina Senator Loren Legarda, Congresswoman Rosanna "Ria" Vergara, at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at tanggapan ng Department of Labor and Employment.

Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng sampung (10) araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at mga nawalan ng trabaho or hanap-buhay na may kaukulang sweldo na P450 kada araw.

- Public Employment Service Office - Cabanatuan City