Home > News > National Disaster Resilience Month 2021, Ipinagdiriwang Nitong Buwan ng Hulyo

National Disaster Resilience Month 2021, Ipinagdiriwang Nitong Buwan ng Hulyo

August 06, 2021

Bilang pag-gunita sa National Disaster Resilience Month o NDRM na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Hulyo, ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagkaroon ng static display sa SM City Cabanatuan simula nitong July 23 hanggang July 25, 2021. Makikita sa display ang tools and equipment na mayroon ang Lungsod ng Cabanatuan para sa Earthquake, Water Search and Rescue, Crashed Vehicle Extrication and Rescue. Itinampok rin dito ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod kaugnay ng laban sa COVID-19 tulad ng disinfection, testing, vaccination, at food assistance. Mayroon ding help desk dito para sa free assistance upang makapagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Ang tema ng NDRM sa taong ito ay Tamang Pamamahala’t Kahandaan, Kaalaman at Pagtutulungan sa Sakuna at Pandemya’y Kalasag ng Bayan.