Covid-19 Vaccination Plan ng Cabanatuan, gayak na.

Nagkaroon naman ng pagpupulong tungkol sa
Vaccination Plan ng Pamahalaang Lungsod noong Pebrero 17, 2021. Ito ay
dinaluhan nina Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, City Health Office at mga
doctor. Tinalakay dito ang mga updates sa paghahanda na isinasagawa sa
pagbabakuna laban sa COVID-19. Kabilang dito ang paggagayak ng master list of
eligible population, pag-uupload ng listahan ng priority groups sa pangunguna
ng CPDO at online pre-registration para sa priority groups. Sa kasalukuyan,
itinatayo at isinasaayos na rin ang cold chain at temporary vaccination center.
Gayundin, tinatapos na rin ang plano para sa pagtatayo ng COVID-19 vaccination
center. Inihahanda na rin ang ordinansa at executive order kaugnay ng mga ito.
EVENTS |
---|
NOVEMBER 02, 2019 All Souls Day |
NOVEMBER 01, 2019 Mayor's Visit to Cemeteries |
SEPTEMBER 09, 2019 Eid'l Adha |
SEPTEMBER 02, 2019 Araw ng Nueva Ecija |
FOLLOW US |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() |
INTER AGENCY LINKS |
---|
![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |