Home > News > LGU Cabanatuan Nag-gawad ng Parangal ng Natatanging Kababaihan sa Iba’t Ibang Larangan!

LGU Cabanatuan Nag-gawad ng Parangal ng Natatanging Kababaihan sa Iba’t Ibang Larangan!

March 31, 2022

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan at sa pamamagitan ng Local Council of Women at City Social Welfare and Development Office, ginawaran ng parangal ang labindalawang (12) natatanging kababaihan mula sa iba't ibang larangan. Kaalinsabay ito sa pagdiriwang ng National Women's Month na may temang "We Make Change Work for Women: Agenda ng Kababaihan Tungo sa Kaunlaran." Ito ay ginanap noong ika-23 ng Marso 2022 sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, Cabanatuan City. Kabilang sa mga pinarangalan sina: Ms. Rosalinda R. Asuncion - Barangay (Social and Community Services) Ms. Luzviminda M. Sauco - Business Sector (Micro Entrepreneurship) Ms. Maria Priscilla R. Salazar - Business Sector (Corporation) Ms. Melania T. Magpale - People's Organization/Civil Society Organization Ms. Violeta M. Fontanilla - Agriculture Ms. Mary Ann S. Veneracion - Arts Ms. Aurelia C. Senayo - Government Sector (Government Services) Ms. Emily Lee L. Garcia - Academe (Private) Dr. Priscilla D. Sanchez - Academe (Public) Dr. Arminda A. Adecer - Medical Judge January Mari P. Garcia - Legal/Judicial Ms. Fortune Diane A. Bernardo - Military (Protective and Security Services) Napili ang mga nabanggit na Outstanding Women batay sa mga isinumiteng nominasyon sa lokal na pamahalaan at nagkaroon ng deliberasyon ang mga bumubuo ng screening committee. Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkilala ang mga natatanging kababaihan na nagbigay ng kanilang serbisyo at kontribusyon sa komunidad; kahusayan sa kanilang piniling larangan; kakayahan sa pamumuno; at kagandahang loob para sa ating lungsod. Ang programa ay dinaluhan ng mga natatanging kababaihan at kanilang mga kapamilya, bumubuo ng Local Council of Women, at mga kawani ng Lungsod ng Cabanatuan.