Home > News > CSWDO NDPR MV GALLEGO

CSWDO NDPR MV GALLEGO

August 15, 2022

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-44 na anibersaryo ng National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week, ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara at sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ay matagumpay na nagsagawa ng Advocacy Forum kaugnay sa pagpapatupad ng iba't-ibang batas patungkol sa kapakanan ng mga taong may kapansanan.

Ito ay ginanap nitong July 21, 2022 sa MV Gallego Foundation Colleges Gymnasium, Cabanatuan City na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba't-ibang establisyimento sa lungsod.

Para sa iba pang mga katanungan tungkol sa CSWDO PWD Welfare Program, maaaring mag-email sa cabanatuancswdo@yahoo.com o magtext o tumawag sa 0919-081-1345.