Home > News > Payout ng Programang DOLE-TUPAD, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO

Payout ng Programang DOLE-TUPAD, Pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO

June 04, 2021

Sa pamamagitan ng programang DOLE-TUPAD, pinangunahan ng Public Employment Service Office o PESO ang payout para sa 423 na displaced workers mula sa iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan Ito ay ginanap noong May 12 at 13, 2021. Sa programang ito, binibigyan ng emergency employment sa loob ng 10-30 araw ang mga lubos na naapektuhan ng pandemya at nawalan ng trabaho. Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pagtutulungan nina Cong. Rosanna "Ria" Vergara at Mayor Myca Elizabeth R. Vergara.