Home > News > Mobile Vaccination para sa 2nd Dose, Muling Dinaos sa mga Barangay!

Mobile Vaccination para sa 2nd Dose, Muling Dinaos sa mga Barangay!

August 18, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination. Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Nitong August 13, 2021, binisita para sa Second Dose ang mga barangay ng Patalac, Kalikid Norte, Kalikid Sur. Patuloy ang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pagsasagawa ng Anti-Rabies Mass Vaccination sa iba't-ibang barangay sa lungsod. Sa pangunguna ng City Veterinary Office, nagbabahay-bahay ang mga kawani ng nasabing opisina sa Brgy. San Isidro nitong August 11, 2021 upang magbigay ng libreng Anti-Rabies Vaccine sa mga alagang hayop.