Home > News > COVID-19 Mobile Vaccination, Tuloy-tuloy sa mga Barangay ng Lungsod ng Cabanatuan

COVID-19 Mobile Vaccination, Tuloy-tuloy sa mga Barangay ng Lungsod ng Cabanatuan

July 01, 2021

Sa direktiba ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara, isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ang Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Ito ay para mapabilis ang pagbibigay ng bakuna sa mamamayan. Layunin nito na mailapit sa mga tao, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Prayoridad dito ang senior citizens na nahihirapan sa malayong byahe. Nitong June 21-25, 2021, binisita ang mga barangay ng Balite, Sapang, Barlis, Mayapyap Norte, Pula, Buliran, Dalampang, Caalibangbangan, Samon at Caudillo.