Home > News > TB Mass Screening Bakod Bayan

TB Mass Screening Bakod Bayan

June 23, 2022

TINGNAN:

Ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa pangunguna ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ay nagsagawa ng TB Mass Screening nitong June 8, 2022 sa Brgy. Bakod Bayan.

Ito ay naging posible sa pamamagitan ng City Health Office at sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress (PBSP). Ang mga mamamayan mula sa Bajau Community mula sa Brgy. Bakod Bayan ay nabigyan ng libreng chest x-ray at sputum testing.

Bahagi ito ng National TB Program upang mapigilan ang pagkalat ng sakit na tuberculosis.