Home > News > City Veterinary Office, Dire-diretso sa Libreng Anti-Rabies Vaccines

City Veterinary Office, Dire-diretso sa Libreng Anti-Rabies Vaccines

July 25, 2021

Sa pagpapatuloy ng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan, nagsagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination ang mga kawani ng City Veterinary Office sa Brgy. Communal nitong July 13, 2021. Mahalaga na magkaroon ng Anti-Rabies Vaccine ang ating mga alagang hayop. Ang Rabies ay isang viral infection at animal disease na maaring malipat sa tao sa pamamagitan ng kagat o galos mula sa isang infected animal.