Home > News > Mobile Vaccination Muling Dinaos sa mga Barangay!

Mobile Vaccination Muling Dinaos sa mga Barangay!

November 15, 2021

Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 Vaccine sa mga mamamayan ng iba't ibang barangay sa Lungsod ng Cabanatuan nitong November 2-5, 2021. Ito ay sa pamamagitan ng Cabanatuan City COVID-19 Mobile Vaccination Program. Layunin ng programang ito na mailapit sa mga mamamayan, lalo na para sa mga malayo sa sentro ng lungsod, ang libreng bakuna laban sa COVID-19. Pinangunahan ni Mayor Myca Elizabeth R. Vergara ang pagbisita sa mga barangay kung saan nagsasagawa ng pagbabakuna, kasama ang mga konsehal ng Lungsod ng Cabanatuan.